𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗘𝗘𝗡 𝗣𝗥𝗘𝗚𝗡𝗔𝗡𝗖𝗬 𝗥𝗘𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang ordinansang Teen Pregnancy Reduction Program sa probinsiya.
Ito ay matapos ilantad ng Adolescent Health and Youth Development Program sa ilalim ng Family Health Cluster of the Provincial Health Office sa isang pagdinig nito na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga naitalang maagang pagbubuntis sa probinsiya.
Ayon sa datos, karamihan sa mga naitatalang teenage pregnancy ay nagmumula sa ikatlo hanggang ika-limang income class municipalities sa lalawigan.

Ang teenage pregnancy ay naiugnay sa mga maagang pakikipagtalik, kakulangan ng access sa komprehensibong impormasyon ukol sa sex, at edukasyon.
Ang Provincial Adolescent Health Development Council (PAHDC), na pinamumunuan ni Gov. Ramon V. Guico III, ang magiging pangkalahatang coordinating body para sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng Adolescent Health Development Program Strategy and Plan ng lalawigan, upang mabawasan ang hindi sinasadyang pagbubuntis at panganganak ng mga kabataan.
Ini-akda nina BM Shiela Marie Baniqued at Rosary Gracia Perez-Tababa ang naturang ordinansa. | 𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔
Facebook Comments