𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗜𝗟𝗬 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪

Binigyang linaw ni Pangasinan 4th District Board Member Jerry Agerico B Rosario ang ukol sa ordinansang ipinasa sa sangguniang panlalawigan kung saan nakasaad ang pagbabago sa daily rate ng mga bagong job order sa lalawigan.

Ayon sa panayam nito sa IFM News Dagupan, sinabi nito na nakadepende sa profession ng isang empleyado sa loob ng provincial government kung saan daily rate ito naaayon.

Gaya ng ₱590.91 daily rate na nasa ordinansa, applicable lamang umano ito sa mga support workers tulad ng encoder at utility workers.

Nilinaw rin nito na hindi masyado gumalaw ang daily rate ng mga skilled at professional worker sa probinsya.

Ang mga skilled workers naman kung saan may training at may TESDA certificate ay may daily rate ₱800.62 habang ang mga professionals ay nasa ₱850.15 ang daily rate.

Samantala, kasalukuyan ng epektibo ang naturang ordinansa matapos na maipasa ng sangguninang panlalawigan nitong katatapos lamang na session. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments