Inaprubahan na sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang isang ordinansang magbibigay ng diskwento sa mga business permits ng mga negosyong naapektuhan ng nagpapatuloy na road elevation at drainage upgrade projects sa lungsod.
Sa ilalim ng Ordinance No. 0-857, nakasaad dito ang pagbibigay ng limampung porsyento (50%) na diskwento sa mga negosyanteng magrerenew ng business permits.
Ayon kay Councilor Mejia, bunsod ito ng natanggap nilang saloobin mula sa mga negosyante na nakaapekto umano sa kanilang negosyo ang isinasagawang pagpapataas ng kakalsadahan.
Kinakailangan din kasing magpataas ng establisyimento ang mga ito upang makasabay sa taas at hindi tuluyang malubog.
Kaugnay nito, nauna na ring iminungkahi ng minorya na kung maaari ay linawin ang mga probisyon at panuntunan na nakapaloob sa naturang ordinansa tulad na lamang sa pagtukoy kung sino sino ang apektado nito at iba pa.
Samantala, inaasahan na kung maipatupad ang naturang ordinansa ay mabibigyan ng pagkakataong makabawi ng bahagya ang ilang mga business establishments pagdating sa bayarin ng mga business permits. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ