Epektibo simula ngayong araw, April 5 ang kautusang mula sa lokal na pamahalaan ng Mangaldan kaugnay sa pagsusupinde ng lahat ng outdoor activities sa bayan bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon.
Sa bisa ng EO no. 2024-020, s. 2024, mula sa tanggapan ng alkalde ang kautusang hindi papayagan kabilang ang sports, programs, festivities mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon sa buong bisinidad ng Mangaldan.
Matatandaan na malimit na naglalaro sa 42 hanggang 44 degree celsius ang naitatalang heat index ng DOST-PAGASA sa Pangasinan at pasok ito sa ilalim ng Danger Category.
Layon nitong maprotektahan ang mga residente sa bayan sa posibleng mga sakit na maaaring maidulot ng nagpapatuloy na mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments