𝗢𝗩𝗘𝗥𝗖𝗥𝗢𝗪𝗗𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nagpapatupad ng regulasyon sa bilang ng learners sa kada classroom ang ilang paaralan sa Pangasinan bilang solusyon para sa patuloy na edukasyon sa kabila ng mainit na panahon.

Aminado si Dr.Anna De Guzman, ang Provincial Health Officer ng Pangasinan, na hindi nakakapagbigay ng magandang disposiyon sa mga mag-aaral ang overcrowded at kulang sa bentilasyon na silid-aralan.

Dagdag naman ni Cesar Bucsit, ang Public Affairs Unit Head ng DepEd Region 1 na sinusunod ang bilang ng mag-aaral sa classroom para convenient sa mga ito

Matatandaan na ilang LGU ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa ilang magkakasunod na araw dahil sa init ng panahon. Binigyang-diin naman ni DepEd Regional Director Tolentino Aquino na hindi nakakaapekto ang suspensyon sa adjusted end of school year. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments