𝗣𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢-𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦

Nakakaapekto diumano ang pabago-bagong panahon na nararanasan ngayon sa lalawigan ng Pangasinan sa produksyon, ayon sa mga eksperto.

Diumano, ang mainit na panahon sa umaga hanggang tanghali at biglaang pag-uulan naman sa hapon ay may malaking epekto sa produksyon ng bangus.

Kaya naman, nagmungkahi ang mga fish experts ng iba’t ibang hakbangin sa mga bangus growers upang hindi lubhang maapektuhan. Ayon sa kanila, mainam na bawasan ang bilang ng mga pinapalagong bangus upang hindi sila umano mag-agawan sa oxygen. Gayundin, ang pagtataas ng nets upang hindi kumalat at mawala ang mga bangus.

Dagdag pa nila na mabuti rin ito upang mapabilis ang produksyon at pagdami ng mga bangus.

Samantala, anila, ang pabago-bagong panahon ay posible rin umanong maging rason na mabawasan ang produksyon ng mga bangus.

Paalala ng mga eksperto, dapat itong gawin ng mga bangus growers upang makatulong na mapababa at maging affordable ang presyo ng mga bangus sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments