Dahil sa pabago-bagong panahon na nararanasan sa Pangasinan, problema ngayon ng mga magsasaka sa Mangaldan ang halos manilaw-nilaw at tuyong mga punla ng palay sa kanilang sakahan.
Sa Brgy. Lanas ang mga magsasaka ay problemado sa kung paano nila inaayos at matutuloy ang kanilang kabuhayan dahil sa epekto ng pabago-bagong panahon sa kanilang pananim.
Walang rin umanong sapat na ulan at patubig mula sa irigasyon kung kayat ang mga pananim ay nasisira at ang lupang sakahan ay natutuyo at nagkakabitak-bitak.
Samantala, inabisuhan naman ng Municipal Agricultural Office ang mga magsasaka na sa sumunod sa planting calendar at kumuha ng crop insurance upang mabigyan ng agarang tulong mula sa gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments