CAUAYAN CITY- Puspusan na ang paghahanda ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 para sa Regional Trade Fair ng Lambak-Cagayan na isasagawa sa buwan ng Setyembre sa Metro Manila.
Nakipag-ugnayan ang naturang ahensya sa Department of Tourism (DOT) Region 2 upang maipakilala ang turismo ng rehiyon sa Maynila kung saan ang programang ito ay magiging daan upang ibida ang kultura at kalikasan ng Lambak ng Cagayan.
Sa naging pagpupulong ng dalawang ahensya ay napagkasunduan ang konsepto ng trade fair ito ay ipakita ang innovations, investments, at tourism opportunities sa rehiyon.
Bukod dito, magkakaroon naman ng booth ang DOT upang ipakita ang tourist destinations ng Lambak ng Cagayan at mayroon ding “Souvenir Nook” para sa mga novelty items ng limang lalawigan sa rehiyon.
Samantala, umaasa naman ang DOT na makikipagtulungan ang mga LGUs para sa pagpapalawak at pagpapalaganap ng aktibidad.