𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝗢𝟭, 𝗟𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗟𝗜𝗟𝗜𝗠𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development FO1 na mayroon itong programa upang matulungan ang mga nanlilimos sa kakalsadahan ngayong nalalapit ang kapaskuhan.

 

Kapansin-pansin sa Pangasinan ang nagkalat na street dwellers lalo na ang mga batang nakikipagpatintero pa sa mga sasakyan.

 

Ayon kay Department of Social Welfare Development o DSWD Region 1 Regionarl Director Marie Angela Gopalan, bagamat mayroong direktang pagtugon ang LGUs, naglatag rin ito ng programa na tutulong sa kapakanan ng mga nanlilimos.

 

Sa ilalim ng Pag-abot program ng pamahalaan, sinusuri ng ahensya ang kasalukuyang kalagayan ng mga namamalimos sa kalsada upang maibigay ang kaukulang interbensyon.

 

Bukas umano ito na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang irescue ang mga nanlilimos upang sila’y matulungan at hindi magpatuloy sa gawain.

 

Hinihikayat ng awtoridad ang publiko na huwag magbigay ng limos dahil mayroong batas na ito ay ipinagbabawal.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments