Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa bahagi ng Central Luzon na apektado ngayon ng pag-atake ng mga armyworm sa ilang plantasyon ng produktong sibuyas.
Ayon sa ilang onion growers mula sa bayan ng Bayambang, isa ang nasabing infestation sa kanilang kinakaharap ngayon kasabay ng problemang napakababa umano ng farm gate price ng sibuyas sa merkado na nasa sampu hanggang kinse pesos lamang sa kada kilo.
Matatandaan na dahil peak harvest ng nasabing produkto ay suspensidido ng hanggang buwan ng Mayo ang onion importation.
Nananatili namang mababa ang presyuhan ng sibuyas sa mga pamilihan na naglalaro lamang sa bente hanggang bente singko sa kada kilo.
Samantala, nasa 30 percent na mga onion farmers sa Pangasinan ang nakararanas ng Armyworm infestation maging sa Nueva Ecija. |πππ’π£ππ¬π¨