𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗙𝗨𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗣𝗣𝗟𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗟𝗢𝗔𝗡

Hinimok ng Pag-ibig Fund Region 1 ang mga residenteng miyembro nito na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo na mag-apply ng calamity loan.

Ayon kay La Union Branch Head Rachael Gallano, nasa walumpung porsyento ang maaaring mai-apply na loan ng mga miyembro na mayroong pinaka mababang interest rate.

Aniya, malaking tulong ito upang makabangon ang mga residente na nasalanta ng bagyo upang makapagsimula muli.

Kampante naman ang tanggapan na mababayaran agad ito ng mga miyembro sapagkat pinakamataas ang Ilocos region sa mga miyembrong nakakapagbayad ng tama.

Ilan lamang sa mga LGU na nagdeklara ng state of Calamity sa Region 1 ay ang Dagupan City, Bani at Anda sa Pangasinan at sa Ilocos Norte ay ang bayan ng Pagudpud. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments