Nagbigay muli ng paalala sa publiko ang kagawaran ng kalusugan sa Ilocos Region na mag-ingat sa rabies virus lalo at tumaas ang kaso nito sa rehiyon.
Patuloy naman na nagsasagawa ang regional office ng mga programa at mga aktibidad nang sa gayon ay mapangalagaan ang mga alagang hayop ng mga nagmamay-ari dito.
Layun din maitaguyod ang Responsible Pet Ownership pati na rin ang patuloy na pagpapaalala sa mga ito na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa upang mapangalagaan at mailayo sa rabies.
Samantala, mula edad 11 to 82 years old ang nabibiktima ng rabies at karamihan dito ay mga kalalakihan at pinakaapektado naman ay mula sa edad 50-54 years old. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments