Muling nagbigay paalala ang awtoridad sa rehiyon uno ukol sa ligtas at mag-ingat na pagbyahe ng mga motorista sa gitna ng kalsada bilang bahagi ng Road Safety Month.
Ayon kay Environmental and Occupational Health Unit, Unit Head Engr. Lily Esteban, mapipigilan umano ang pagkakaroon ng mga road accidents at fatalities kung tama ang mga kaalaman ng mga motorist pagdating sa road safety at magkaroon ng tamang disiplina sa gitna ng kalsada.
Dapat umano na palaging gumagamit ang mga ito ng seatbelts, helmets, at child car restraints habang nasa byahe maging ang pagdidisiplina sa sariling huwag nang magtangka pang bumyahe kung nasa impluwensya na ng alak ang katawan.
Samantala, sa huling tala ng DOH R1 na inilabas nitong Marso, nasa 236 vehicular accidents at 43 deaths and naitala sa rehiyon uno mula January 1 hanggang November 7, 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨