𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗭𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗡𝗣𝗖, 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗙𝗔𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘𝗥𝗦

Suportado ng mga product manufacturers ang pagpapatupad ng voluntary price freeze o pansamantalang walang paggalaw sa presyo ng mga Basic Necessities at Prime Commodities.

Ilan sa mga kabilang sa price freeze ay mga tukoy na uri ng mga sumusunod: noodles, condense milk, toyo, suka, 3n1 coffee mix, processed milk, processed canned meat or beef, bottles water, condiments at iba pa.

Epektibo na ang nasabing price freeze sa ilang mga lugar partikular sa mga probinsyang higit naapektuhan ng El Niño.

Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pakikiisa ng mga product manufacturers upang mabenipisyuhan ang mga mamamayang apektado ng weather Phenomenon sa pamamagitan ng nananatiling presyuhan ng mga produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments