Ipinaalala ngayon ng Department of Health (DOH) ang pag-iwas muna sa mga nakaplanong isasagawang outdoor activities sa mga eskwelahan kasunod ng nararanasang pagkakatala ng matataas na heat index sa ilang bahagi sa bansa.
Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo, mainam umano ang pagsagawa ng mga outdoor school activities sa mas maagang oras upang maiwasan ang matinding sikat ng araw, lalo na mula alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Saklaw pa nito ang pagpaalala sa mga nararapat na hakbangin upang maiwasan ang anumang heat-related sickness tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Sa lalawigan ng Pangasinan, ilang mga lokal na pamahalaan na ang nagdeklara ng suspensyon ng face-to-face classes sa parehong pampubliko at pribadong paaralan, mula Kindergarten hanggang Senior High School.
Ilang school heads naman, nagpatupad na rin ng modular distance learning bilang alternatibong delivery learning mode sa suspended face-to-face classes.
Samantala, ilang mga paaralan ay sinuspinde na ang face-to-face classes hanggang sa susunod na dalawang araw pa dahil pa rin mataas na heat index forecast na posibleng maitala ng PAGASA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨