Patuloy na isinusulong ng iba’t-ibang Local Government Unit (LGU) sa lalawigan ang pag-iwas sa paggamit ng mga nakapipinsalang mga paputok lalo na para sa mga kabataan o menor de edad.
Ang ilang LGUs, ginagamit ang mga social media platforms para isulong ang kampanya kontra paputok tulad ng LGU Dagupan City, LGU Alaminos at LGU Bayambang.
Nakalakip sa mga post ang impormasyon ukol sa mga batas na nagbabawal sa pagebebenta at paggamit ng mga illegal na paputok lalo na sa salubong ng bagong taon.
Mariin din na paalala ng mgaa LGU ang kahalagahan ng seguridad at kaligtasan ng mga kabataan habang sinasalubong ang bagong taon lalo at sila ang madalas na nagsasagawa ng pagpapaputok sa mga kakalsadahann.
Ineenganyo ngayon gkagawaran ngkalusugan, PNP, BFP at ng mga kawani ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ang paggamit na lamang ng mga improvised na pampaingay o di kaya ay torotot na lamang pamalit sa mga nakapipinsalang paputok.
Tuloy din ang kanilang monitoring at inspection lalo na sa mga firecracker zones para mapigilan ang sino man magbabalak na magbenta ng iligal na paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨