𝗣𝗔𝗚𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗜𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜

Naging mainit ang usapin sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan bilang muling mungkahi ang pag-apruba sa Supplemental Budget para sa taong 2024.

Binigyang diin sa sesyon ang ukol sa ordinansang nagsusulong ng Disaster Preparedness ng lungsod sa pamamagitan ng kinakailangang kagamitan tulad na lamang ng napag-usapang pag-apruba sana ng karagdagang ambulansya.

Binanggit ng minorya ang ukol sa nakabinbing pag-apruba ng naturang budget bagamat giit ng mayorya ang hinihingi umanong dokumento upang tuluyan itong matalakay at maproseso.

Personal ding tumungo ang alkalde ng lungsod upang ilatag mga proyekto at programang nakapaloob sa supplemental budget ang kahalagahan sa pag-apruba nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments