π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—” 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—žπ—”π— π—”π—§π—œπ—¦ 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗑 𝗨𝗠𝗔𝗑𝗒 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗑𝗒𝗗 𝗑𝗔 π—§π—”π—§π—Ÿπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—šπ—’

Inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na bababa ang presyo ng kamatis sa susunod na tatlong linggo matapos ang pagsipa nito sa 120 hanggang 180 pesos sa ilang pamilihan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay SINAG President Rosendo So, magsisimula pa lang ang mga producer ng kamatis na mag- ani kung kaya mataas pa ang presyo nito sa palengke.

Una nang inihayag ng Department of Agriculture na naapektuhan ang ani ng mga magsasaka dahil sa nagdaang kalamidad kung kaya’t tumaas ang presyo nito. Pagtataya ng SINAG hindi na rin magtatagal ang mataas na presyo at babalik sa normal na presyo ang kamatis dahil sa sapat na suplay sa mga susunod na linggo. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments