Nararanasan sa kasalukuyan ng mga consumers sa Dagupan City ang pagbaba sa presyo ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa bayan.
Sa pagpasok ng taon, bumaba sa 6.40 pesos ang pinakamababang presyo sa kada piraso ng itlog, bumaba ng halos dos pesos kumpara sa dating presyuhan nito na nasa halos 9 pesos na.
Ang medium size naman, naglalaro sa 7 hanggan 7.50 pesos habang ang mga malalaking itlog ay nasa 8 pesos at mahigit ang per piece nito.
Ikinatuwa ito ng mga consumers sa lungsod ng Dagupan dahilan na pumatak sa 6 pesos ang presyuhan ng itlog ngayon.
Maaari na raw ang mga ito na kumuha ng isang tray o isang dozen ng itlog bunsod ng pagbaba nito.
Samantala, sapat naman ang suplay nito hanggang sa susunod na buwan at ayon sa mga egg vendors, sa ngayon ay hindi pa tiyak kung magkakaroon muli ng price adjustments sa nasabing produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments