Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Bani para sa Pakwan Festival ngayong 2024.
Nakatakdang isagawa ang selebrasyon ng kapistahan nito sa darating na ika-27 ng Enero hanggang ika-4 ng Pebrero kung saan siyam na araw itong isiselebra.
Naglabas na rin ng schedule of activities ang LGU kung saan kabilang sa mga aktibidad ay ang agri-trade fair, farmer’s cookfest, pakwan carving competition, pakwan cookfest (para sa mga estudyante at tourism establishments), street parade at dance competition, farmers’ night, fun art, pakwan mass eating at street party, at iba pa.
Sinabi sa isang pahayag ni municipal tourism officer Romel Dulay na ang pagdiriwang ay naglalayong isulong ang iba’t ibang uri ng pakwan ng Bani upang bigyang pagkilala ang mga magsasaka at upang ipakita ang iba’t ibang destinasyon ng turista sa bayan.
Ang pakwan ay naglalaman ng 92 porsyentong tubig kung saan mayroon itong nutritional value na para sa katawan gaya ng Lunas sa constipation o hirap sa pagdumi, napabababa nito ang peligro na ma-stroke, napapababa nito ang peligrong dala ng cancer, napabababa nito ang peligro sa pagkasira ng atay, napabababa nito ang problema sa mga ugat, napababa nito ang insulin resistance, nakatutulong laban sa diabetes, nakatutulong laban sa skin fungi at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨