Umabot na sa higit isang daang libong mga alagang aso at pusa ang nabakunahan ng anti-rabies vaccine sa Pangasinan sa unang semester ng taong 2024.
Sa datos na naitala ng Provincial Veterinary Office, nasa 146,019 ang kabuuang nabakunahan sa iba’t-ibang bayan vaccination drive sa probinsya.
Ayon sa Provincial Veterinary Office, bukas ang kanilang tanggapan mula lunes hanggang biyernes sa mga oras ng alas otso hanggang alas singko ng hapon para sa mga walk-in clients na nais na mapabakunahan ang kanilang mga alagang hayop.
Paraan rin ito upang malabanan at mapababa ang bilang ng kaso ng rabies na naitatala sa lalawigan.
Ngayong taon siyam na ang naitalang kaso ng rabies sa pangasinan. Maliban sa pagbabakuna, nagbibigay din ng bitamina, purga at konsultasyon ang PVO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨