Muling iginigiit ngayon ng mga magulang sa lalawigan ng Pangasinan ang pagbabalik ng dating school year calendar kasunod ng pagsususpinde ng F2F classes dahil sa nararanasang mainit na panahon.
Anila, sa ganitong panahon dati ay nakabreak o magsusummer break na ang mga bata.
Bagamat magandang bagay umano ang pagpapatupad ngayon ng mga face-to-face class suspensions dahil hindi lamang init ng panahon ang iniinda ng mga ito, maging mga epekto sa katawan tulad ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at pagdurugo ng ilong ay nararanasan umano ng mga mag-aaral.
Samantala, kabilang naman sa direktiba ng Department of Education ang paghikayat sa mga mag-aaral na magsuot muna ng mga preskong damit sa halip na school uniforms dahil nakakadagdag ito sa init sa katawan na mararamdaman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨