Kaliwaβt-kanan ang nagiging mga usapin at talakayan ng mga concerned departments tulad ng Department of Education kasunod ng patuloy na nararanasang suliranin sa mga paaralan dahilan ang epekto ng matinding init ng panahon sa bansa.
Nito lamang ay iminungkahi ng Senate President Zubiri ang pagbabalik sa summer break ng mga bata bunsod ng mainit na panahon.
Aniya, halos linggo linggo na nagkakaroon ng class suspension kaya muling mungkahi nito sa Kagawaran ng Edukasyon na maibalik na ang dating summer break sa old school calendar.
Ilang mga magulang din sa Pangasinan, mas pabor sa dating school calendar dahil kawawa raw ang mga bata lalo ngayong patuloy ang nakapagtala ng mataas na heat index ang lalawigan.
Nakitaan din ng mangilan-ngilang mga bata ang nagkakaroon ngayon ng sipon dahil sa init ng panahon.
Samantala, bagamat isasakatuparan na ito sa ay nauna nang ipinahayag ng ahensya na hindi maaaring madaliin ang pagsasagawa nito bilang pagsasaalang-alang sa ilang mga konsiderasyon at batas. |πππ’π£ππ¬π¨