Nais pang paigtingin ng Department of Health Region 1 katuwang ang iba pang stakeholders ang pagbabantay kontra Malaria upang mapanatili ang malaria-free status ng rehiyon. Ang naturang sakit ay mula sa parasite na iniiwan ng babaeng Anopheles Mosquito na nakamamatay kung hindi agad maagapan.
Tiniyak ng tanggapan ang pakikipag-ugnayan sa mga health workers, employment services officers, tourism officers at ilang institusyon sa lalawigan upang labanan ang banta ng malaria sa kanilang mga lugar.
Abiso ng tanggapan ang maagap na treatment kung pupunta sa mga lugar na endemic ang sakit at paggamit ng angkop ng mosquito repellant at kasuotan upang maiwasang makagat ng lamok na may dalang malaria.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments