𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗡𝗗𝗢

Pinaigting ng pulisya ang pagbabantay sa baybayin ng pangasinan matapos matagpuan ang bloke blokeng shabu na palutang-palutang sa karagatan ng Ilocos Sur.

Sa panayam ng iFM Dagupan kay PNP Public Information Officer , Police Captain Renan Dela Cruz, agarang nagsagawa ng pagpupulong ang pulisya kasama ang mga hepe ng local police stations, pnp maritime unit at iba pang national government agencies upang tutukan ang pagbabantay sa karagatang sakop ng probinsya.

Aniya, araw-araw ang sea foot patrolling ng miyembro ng pulisya katuwang ang Philippine Coast Guard.

Dagdag pa nito, nakikipag ugnayan din sila sa mga mangingisda sa coastal areas upang agad na maireport sakali mang may makitang kontrabando.
Ayon naman sa Police Regional office 1, nadagdag na rin ito ng checkpoint sakaling ang mga kontrabando na nakuha sa Iloco Sur ay ibinyahe ng by land.
Matatandaan na dalawang beses nang may natagpuan na iligal na droga sa baybayin ng ilocos sur na umaabot na sa 280 million ang halaga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments