𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗢𝗞 𝗣𝗔𝗦𝗬𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗘𝗡𝗗

Patuloy ang pagbabantay sa mga pangunahing pook pasyalan sa Alaminos City lalo na pagdating sa seguridad at kaayusan nito dahil sa isa nanamang long weekend.

Tuloy-tuloy ang roving operations ng lokal na gobyerno ng Alaminos City sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office kasama rin ang iba pang staff ng City Health Office at line government agencies sa lungsod na nakaantabay rin sa mga naturang pook pasyalan.

Isa sa patuloy rin na pinalalakas pa sa lungsod ay ang kanilang turismo maging ang mga residente na kasama sa pagpapa-unlad nito.

Samantala, ilan sa mga binisita at binabantayan ang seguridad at kaligtasan na pwedeng bisitahin ngayong long weekend ay ang mga beach at park tulad ng Bolo Beach, Lucap Wharf, Mangrove Park at Hundred Islands National Park. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments