𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗧𝗥𝗜𝗞𝗘 𝗔𝗧 𝗘𝗕𝗜𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗪𝗔𝗬, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Sinang-ayunan ng Pangasinan PNP ang planong pagbabawal sa mga e-bike at e-trike sa mga pangunahing lansangan lalo sa mga national Highway.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, wala pang linya na designated para sa mga e-bike kaya hindi pa pwedeng dumaan ang mga ito sa mga national Highway.

Bagamat may umiiral na slow moving vehicle to the right na polisiya hindi rin, aniya pasok ang e-bike kaugnay dito dahil masyado itong mabagal.

Umaasa naman ito na maiintindihan ng mga mamamayan ang nasabing panukala sakaling maipatupad dahil para rin ito sa kanilang sariling kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments