𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Pinaburan ng ilang magulang sa lalawigan ang ukol sa pagsusulong sa pagbabawal sa paggamit ng cellphone ng mga bat sa oras ng klase.

Ang ilang magulang sinabing, makabubuti umano ito sa mga batang mag-aaral upang makapagbigay ng atensyon sa mga guro sa loob ng klase.

Mainam rin ito para maiwasan na magkaroon ng sakit ang mga bata dahil sa patuloy na pagtutok sa gadgets.

Samantala, ang naturang panukala ay isinusulong ng isang senador upang mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang senior high school. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments