𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗦𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡

Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang malaking epekto ng pagbabayad ng buwis bago ang itinalagang deadline.

Sa isinagawang tax caravan, binisita ng Provincial Treasury Office at Office of the Provincial Assessor ang mga pampublikong pamilihan at samahan ng mga tricycle drivers at operators upang mabigyan ng kaalaman sa mga regulasyon ng pagbabayad ng buwis sa ilalim ng Real Property Tax collection sa lalawigan.

Hinihikayat naman ng Provincial Treasury Office na maaring makatanggap ng 20% na discount ang makapagbayad ng buwis bago magtapos ang 2024 at 10% discount naman mula sa mga tax payments ng Enero hanggang Marso 2025.

Ang buwis ay malaking bahagi sa pagpapatupad ng mga proyekto sa probinsya gaya ng kalusugan,imprastraktura, edukasyon at iba pa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments