Mahigpit na ipatutupad ngayong sa bayan ng Asingan ang bagong ordinansang paghihigpit sa pagbebenta at pag-inom ng alak o ano mang nakalalasing na inumin sa pampublikong lugar upang maiwasan ang kaguluhan sa gabi.
Ayon kay Municipal Councilor Johnny Mar Carig, ipinagbabawal na ang pagbebenta ng alak o mga nakalalasing na inumin sa oras ng alas dyis ng gabi hanggang alas syete ng umaga maging ang pag-inom ng alak sa mga kalye o bangketa upang maiwasan ang kaguluhan.
Isa sa rin sa layunin ng ordinansa na maiwasan na masangkot ang kabataan nasa impluwensya ng alak sa kaguluhan, aksidente at krimen.
Ang mahuhuling lalabag sa naturang ordinansa ay magmumulta ng 3,000 pesos sa 3rd offense o depende sa maaaring pinsala o krimeng nagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments