Hangad na mapabilis ng ilang medical practitioners sa mga pampublikong tanggapan sa Pangasinan ang pagbibigay ng Health Emergency Allowance o HEA mula sa Department of Health.
Ilang buwan na umano ang nakalipas matapos nilang maipasa ang mga kaukulang dokumento na requirement upang maibigay ang kanilang allowance.
Dahil dito, hangad na mapabilang ito sa tututukan ng pangulo sa kanyang SONA ngayong araw.
Ayon umano sa Department of Health, naghihintay na lamang ng alokasyon ng budget upang masimulan ang distribusyon ng allowance sa allowance sa mga health practitioners.
Tinatayang nasa 9,000 pesos kada buwan ang matatanggap ng mga medical practitioners na pasok sa kategoryang high risk; 6,000 sa medium risk category; at 3,000 para sa low risk category.
Nagsimulang magbigay ng monthly allowance ang gobyerno mula July 2021 hanggang July 2023 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic sa mga frontliners.
Katunayan umano natapos nang mabigyan ang mga nasa government run hospitals ngunit ilan sa mga empleyado ng rural health units ay hindi pa natanggap ang 2021 allowance. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨