Patuloy ang pagbibigay pansin sa mga pangangailangan ng mga rehistradong rice farmers sa lalawigan kung saan sinusuportahan ng Department of Agriculture.
Kamakailan ay naipamahagi sa nasa higit dalawang libong rehistradong rice farmers sa Bayambang ang tulong pinansyal.
Naging posible ito dahil ilalim ng programang Rice Farmers Financial Assistance o RFFA ng Department of Agriculture.
Nakatanggap ng limang libong piso ang bawat magsasaka na siyang makatutulong na muling maiangat ang kanilang mga sarili mula sa pagkalugi lalo na ang mga magsasakang naapektuhan ng El niño phenomenon.
Samantala, nagmula naman ang pondo sa pamamahaging ito sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ng naturang ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments