Iwasan umano ang ginagawa o gagawing pagbibiro lalo na ang may kaugnayan sa kalusugan ng isang tao – ito ang paalala ng Department of Health sa publiko tungkol sa April Fool’s Day.
Saklaw pa nito ang pagbibiro na ukol sa mental health condition, physical well-being, maging mga sakit at pagkamatay na hindi kaaya-ayang pakinggan o sabihin.
Kaugnay nito, matatandaan na isa ang mental health awareness sa patuloy na binibigyang halaga ngayon bilang tumataas ang kaso partikular na ang naitatalang suicide cases.
Sa Pangasinan, ayon kay PCapt. Renan Dela Cruz, ang Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, depresyon ang pangunahing nakikitang dahilan ng naitatalang kaso ng pagbigti o pagkitil ng buhay ng mga biktima.
Bagamat bumaba ng 80% ang porsyento ng suicide cases sa lalawigan kumpara noong nakaraang taon, ay hindi dapat ito ikakampante.
Bilang pagtugon, maging sensitibo sa mga sinasabing salita at ipinapakitang aksyon, at sa halip na pagbiro na may kaugnayan sa kabuuang kalusugan ng tao, ayon sa DOH, posible ang pagbiro ng nagdudulot ng kasiyahan at may positibong dulot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨