𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗣𝗜𝗡𝗗𝗘

Pinagpaliban ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem ang pagbubukas sana ng klase sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan ngayong araw dahil ilang barangay pa rin dito ang nakakaranas ng pagbaha.

Sa inilabas na Executive Order No. 180 series of 2024, nakasaad dito na pansamantalang ginagamit ang ilang paaralan bilang evacuation areas ng mga inilikas noong kasagsagan ng Bagyong Carina.

Ang kanselasyon ay pagbibigay daan din umano upang magkaroon ng clearing operations at mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makarecover sa pananalasa ng sama ng panahon.

Nakatakdang magbabalik eskwela ang mga mag-aaral sa darating na ika-5 ng Agosto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments