Muling binuhay ang isang kasunduan sa pagitan ng probinsya ng Pangasinan at ng Bureau of Fire Protection Region I para sa paghahanda sa mga man-made disasters sa probinsya.
Pirmado ni Pangasinan Governor Ramon Guico III at BFP Regional Office I Fire Chief Superintendent Leonida V. Gumanab-Rosales ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na may layuning maihanda ang lalawigan sa mga sakuna kung saan ayon pa sa resolusyon na nakapaloob dito ang mga responsibilidad ng pamahalaan na tugunan ang mga sakuna sa oras ng pangangailangan.
Dahil dito, ipinagkaloob sa probinsiya ang isang fire truck mula sa BFP Region I upang mas mapaigting ang pagtugon sa mga sakuna gaya ng sunog at marami pang iba na manggagaling sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Matatandaan na mayroon ng MOA sa pagitan ng dalawa noong taong 2009 at ngayon muling binuhay para sa mas maigting na pagtulong sa mga mangangailangan ng tulong.
Ang kasunduan ay pinagtibay base sa inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution 768-2023 noong ika-6 ng Setyembre ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments