Ramdam na ang pagdami ng mga deboto na bumibisita sa Minor Basilica sa bayan ng Manaoag.
Sa pahayag ni Manaoag Mayor Doc Ming Rosario, kapansin-pansin aniya ang pagdagsa ng mga tao lalo na simula noong pumasok ang lenten season.
Sa ngayon ay patuloy sa pagpaplano ang lokal na pamahalaan upang maibsan ang posibleng trapiko na naidudulot ng dagsa ng mga tao doon Lalo na sa holy week.
Sa average na linggo kasi ay umaabot ng halos 60k ang bisita doon at inaasahang dodoble pa ito ngayong lenten season lalo na ng mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments