𝗣𝗔𝗚𝗗𝗘𝗗𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔

Inihayag ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ang pagsasailalim ng bayan sa State of Calamity.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa alkalde, lahat umano ng barangay sa bayan o katumbas ng 32 barangay ay apektado ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong Carina.

Sa datos ng PDRRMO, pitong barangay ang nakakaranas ng pagbaha sa Lingayen.

Nagsimula na ring mamahagi ng gamot para sa leptospirosis ang lokal na pamahalaan maging ang relief goods para sa mga apektadong pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments