Matinding paghahanda ang isinagawa ng pamahalaang panlungsod ng alaminos sa mga inilatag na aktibidad kasabay ng ika-36 pagdiriwang national Disaster Resilience Month 2024.
Sinimulan ito sa pamamagitan ng motorcade na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya ng munisipyo kabilang ang PNP, BFP at CDRRMO sa bayan.
Pinangisawaan din ang mass blood donation sa lungsod sa tulong ng Philippine Red Cross Western Pangasinan Chapter na hangad makalikom ng sapat na suplay ng dugo.
Bukod dito,katatapos lamang isagawa ang limang araw na water search and rescue o wasar training na nilahukan ng DRRM Office ng La Union, Alaminos at La Union Rescue 911. Tinalakay dito ang pagresponde sa mga emergency, disaster at rescue operations.
Kaugnay nito, kamakailan lamang ay pinangunahan ng Office of Civil Defense ang nationwide simultaneous earthquake drill na paunang aktibidad sa National Disaster Resilience Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨