ILOCOS SUR-Ginanap ang PAMMADAYAW sa Vigan Convention Center, Vigan, Ilocos Sur bilang pagkilala sa mga katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na pagtaguyod ng turismo ng probinsya.
Kinilala ang mga lokal na pamahalaan, Non-Governmental Organization, Civil Society Organization sa isinusulong na adhikain na ONE Ilocos Sur. Kasabay nito ang kasalukuyang pagdiriwang ng lalawigan sa Ilocos Sur Tourism Festival 2024.
Nauna nang isinagawa ang Grand Parade, Opening nf One Ilocos Sur Tourism and Trade Fair, School-Based Competition, Passport on Wheels, at iba pa. Nakatakda namang isagawa ang ang Naalibtak A Turismo na ukol sa pagpapalakas pa ng naturang industriya sa darating na Sept 23 hanggang 24. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments