Ipinagdiwang kahapon ang unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Banàan Museum na matatagpuan sa Casa Real sa Lingayen, Pangasinan.
Bahagi ito ng selebrasyon ng Pangasinan Tourism Month kung saan bukod sa libreng entrance fee, libreng guided tours, may mga bagong atraksyon at aktibidad din sa museo na nakasentro sa mayamang kultura ng lalawigan ng Pangasinan.
Tampok din sa naturang museo ang iba’t ibang paintings, historical artifacts, mga replicas, at marami pang iba.
Samantala, muling bubuksan sa darating na September 27, ang libreng entrance fee bilang paggunita sa World Tourism Day. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments