Malaki ang impluwensya ng social media sa papalapit na halalan para sa pagpapalaganap ng plataporma ng mga nagnanais na kumandidato.
Aniya, ito ay pwede ring gamitin para sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon pabor o laban sa isang kandidato. Tulad na lamang ng pagpapakalat ng kasinungalingan, kaya’t posible nitong malinlang ang mga botante.
Nananawagan naman si Go sa mga Pilipino na iberipika ang mga impormasyong nakikita sa Social Media at maiging tangkilikin ang mga lehitimong mapagkukunan ng impormasyon.
Kamakailan, naglabas ang COMELEC ng Comelec Resolution (CR) 11064, na nagbabawal at nagpaparusa sa maling pagpapalaganap ng impormasyon na may koneksyon sa paparating na super elections sa 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments