𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗚𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Nakikitang solusyon ng ilang barangay sa bayan ng Calasiao ang paggamit ng solar energy upang makatipid sa binabayarang kuryente sa mga opisina ng barangay dahil sa sunod-sunod na taas presyo ng singil sa kuryente.

Nauubos umano ang pondo ng mga barangay dahil sa mataas na singil sa kuryente. Ilan lamang sa mga ginagamit dito ay ang street lights na bukas sa gabi at paggamit ng ilang equipment sa barangay.

Sa Barangay Nagsaing umabot sa mahigit P180,000 na ang nagastos nila sa pagbabayad ng kuryente mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ayon sa isang solar energy provider na si Rey Prado Lomboy, malaki ang kinakailangang boltahe sa pagkakabit ng solar panels kung saan Kalahati ang mababawas sa electric ngunit tatlo hanggang limang taon ang return of investment mula rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments