𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗟𝗘𝗠𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗜𝗠𝗠𝗔𝗖𝗨𝗟𝗔𝗧𝗘 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗣𝗖𝗜𝗢𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡-𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Idinaos ang mass schedules sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City alinsunod sa pagdiriwang ng Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary nitong Dec. 9, 2024.

Dinaluhan ng mga daan-daang debotong katoliko ang selebrasyon bilang pagkilala sa kanyang natatanging pagiging ina sa tagapagligtas ng sanlibutan – si Hesus.

Naging sentro ng mensahe ng misa ay ang pagtitiwala sa Panginoon at sa plano Nito kagaya ng ginawa ni Maria noong nalaman niyang kanyang ipagbubuntis si Hesus. Na sa kabila ng pag-aalinlangan at takot, ay malugod nitong tinanggap at tumalima sa kagustuhan ng Diyos.

Ibinahagi rin ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ngayong kapaskuhan, alalahanin ang Inang Mariang nagdala sa sanggol na nagligtas ng sanlibutan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments