𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗞𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Ilang reklamo ng umano’y paghahakot ng botante ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay COMELEC Pangasinan Election Officer Atty. Eric Oganiza, ang mga hinihinalang hinakot na residente ay hindi mula sa iisang lugar kung kaya’t walang patunay na ito ay may katotohanan.

Ang hakot system o ang paghahakot ng politiko ng mga residente na walang kakayahan upang makapagparehistro at ang kapalit nito ay boto.

Samantala, nasa 300-400 ang naitalang bilang ng nagpaparehistro araw-araw sa nagpapatuloy na voter’s registration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments