Nagsagawa ng seminar workshop sa pamamagitan ng video conferencing ang National Archives of the Philippines na dinaluhan ng abot 100 record custodians sa mga government offices at mga state universities at colleges sa Ilocos Region.
Binigyang diin ni NAP Executive Director Victorino Mapa Manalo ang kahalagahan ng tamang pagpaplano at pag-aayos ng mga importanteng public records bago, habang at pagkatapos ng kalamidad.
Layunin ng naturang seminar workshop na masigurong kakayanin ng isang organisasyon na ipagpatuloy ang operasyon maging mga kaalaman at kakayahan upang protektahan at pangalagaan ang mga records bago at pagkatapos ng kalamidad.
Naniniwala ang tanggapan na sa pamamagitan ng isinagawang seminar workshop ay mapapalakas ang kakayahan ng bawat institusyon sa Region 1 na mapangalagaan ang mga historical documents para sa mga susunod na henerasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨