Ipatutupad at paiigtingin pa ng mga on duty NA PNP Tourist Police ang kanilang pagbabanatay sa seguridad at maging pagbabawal sa mga lokal na turista na magsagawa ng iligal na gawain sa bahagi ng Lingayen baywalk.
Nakatakdang ipatupad ang “no burning of leaves and garbage”, overspeeding, drugs, at iba pang ilegal na aktibidad sa naturang baywalk mapa-umaga man o gabi.
Mahigpit din ipatutupad ang pagbabawal sa night swimming habang ang pagsasagawa ng bonfire, night camping, picnic ng mga pamilya, turista, at mga beach goers ay dapat maayos at kontrolado.
May mga nakahanda namang Rescue teams, medical team, night patrolers, PNP, BFP, mga barangay tanod at civilian volunteer para sa seguridad sa baywalk at mismong lingayen beach hanggang matapos ang Pistay Dayat 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨