𝗣𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗞𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗢𝗢𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗗𝗘𝗔

Mananatili pa ang pagiging Drug Cleared ng bayan ng Aguilar sa Kabila ng magkasunod na malalaking operasyon ng mga otoridad doon kung saan ay umaabot sa mahigit anim na milyong pisong halaga ng fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, nakatakda Silang makipagpulong sa Lokal na pamahalaan upang Pag usapan ang kaugnay sa status ng bayan sa usapin ng drug clearing.

Bagamat aminado si Camacho na ikinaalarma nila ang pagkakatuklas ng nasabing dami ng marijuana plants sa bayan at maging ang pamahalaang Panlalawigan aniya ay ikinagulat din ito.

Matatandaan na magkakasunod na malalaking operasyon ang ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng pnp at PDEA na nagresulta sa pagkakakumpiska huli ng ilang mga tao roon at pagkakatuklas ng nasabing mga tanim na mga marijuana. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments