Hindi kagulat-gulat ang naging resulta ng bansa ng Programme for International Student Assessment o PISA pagdating sa creative thinking dahil kulang sa kaalaman ang mga estudyante ukol dito; ito ang pahayag ni Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative France Castro.
Ayon sa datos, pumapangalawa ang Pilipinas sa pinakamababa sa creative thinking ayon sa report na inilabas kamakailan.
Diumano, kulang sa reading materials maging sa instructional materials ang mga pampublikong paaralan kaya ang iilang estudyante sa bansa kaya’t nakakapekto ito umano sa creative thinking. Isa ring nakikitang dahilan ni Rep. Castro ang kakulangan ng mga guro na eksperto sa creative thinking.
Ayon pa kay Castro, Kinakailangang mag pagtuunan ng pansin ng mga administratibo ng paaralan maging ang DepEd ang mga ito. Kinakailangang rin mahasa ng mga guro ang bawat estudyante upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa creative thinking maging sa ibang aspeto ng akademiko.
Sa ngayon, wala pang epektibong at agarang aksyon ang Department of Education (DepEd) upang masolusyunan ang krisis na ito, ayon sa grupo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨