Target ngayon sa buong lalawigan ng Pangasinan ang adhikaing African Swine Fever o ASF Free na probinsya.
Kasunod nito ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kagamitan upang tiyakin ang disinfection measures sa mga operasyon sa pamamagitan ng pagturn-over ng mga ito mula sa isang korporasyon.
Kinabibilangan ito ng 15 pair boots, 24-gallon disinfectant, 3 knapsack sprayer, at 15 scrub suit.
Ayon sa Office of the Provincial Veterinary (OPVET) Pangasinan, hanggang sa kasalukuyan ay walang naitatalang ASF sa mga produktong baboy dahilan ang sapat na suplay nito ngayon sa lalawigan.
Regular din ang pagsasagawa pamunuan ng mga Biosecurity Activities sa labindalawang established animal quarantine checkpoints upang masigurong ligtas ang mga ipinapasok na baboy sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨