Isang nakakahiyang pagkakataon ang napabalitang top rice importer ng bigas ang PILIPINAS sa buong mundo.
Ito ang naging pahayag ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo sa Naging panayam ng IFM Dagupan.
Ayon Kay Estavillo, napabayaan ang sektor ng agrikultura kung saan ay sumadsad ang produksiyon nito dahilan upang mapilitang mag import ang bansa sa ibang Bansa.
Ang mga bansang nag Aral aniya sa Pilipinas sa pamamagitan ng International Rice Research Institute ay siya na ngayong nasa Top 5 Exporting countries kagaya ng Vietnam at Thailand.
Isa rin sa napipintong problema aniya ay kung nakalusot ang economic CHA-CHA lalo na kung papayagan ang mga dayuhang mag may ari ng 100% sa Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments